A. Kamusta? Ako si STEM. Kilalanin mo ako!
Ang Science, Technology, Engineering,
and Mathematics ay isa sa mga sangay ng akademikong track ng K-12 kurikikulum.
Ito ay para sa mga estudyanteng naghahangad at gustong kumuha ng inhinyero,
arkitekto, medisina, at iba pang may koneksyon sa siyensya, teknolohiya,
pag-iinhenyero at matematiko. Karamihan sa mga tao lalung-lalo na sa mga
estudyante na ito ay ang pinakamahirap sa lahat ng strand kumpara sa ABM,
Tourism, Culinary Arts, ITMAWE, at Digital Arts dahil ang mga paksa at mga
aralin sa STEM ay masyadong mahihirap. Gayunpaman, bilang tagapanimula ng
kurikulum na ito, alam natin na ang bawat strand ay magkakaiba at meron
pagkakaiba sa isat-isa dahil walang madaling strand. Lahat ng strand ay
masyadong mahirap sa paraan na ibig makatulong bilang isang indibidwal upang
lumago at yumabong ang kanilang sariling abilidad at kakayahan para sa
kukuhanin nilang propesyon.
B. Bakit pinamagatang
“STEMahinasyon” ang aming manuscript at ang layunin nito.
Sa pagkuha ng kursong STEM,
kailangan ng masusi at matinding pag-iisip kung kaya't napapalawig natin dito
ang ating imahinasyon, kaisipan at iba pang kaalaman. Ang manuscript na ito ay
pinamagatang STEMahinasyon dahil sa STEM, nasusukat ang iyong kakayahan sa
pag-iisip kagaya na lamang sa mga lohika, pagbibigay solusyon sa mga
"problem solving", pagkompyut sa iba't-ibang equations at marami pang
iba.
Sa STEM nahahasa hindi lamang ang kakayahan ng isang
batang mag-isip kung hindi kung paano nya ito gagawin sa kanyang buhay at kung
paano ito maaaring makatulong sa paglago at pagpapayaman ng kanyang sarili. Ang
STEMahinasyon ang magiging gabay ninyo sa pagtupad ng inyong pangarap dahil
kaugnay nito ang pagEEXPLORE sa iba't ibang bagay katulad na lamang ng Science,
Technology, Engineering, Mathematics.
Halimbawa ng aming Magazine |
C. Paano makipagkasundo sa akin?
Sa paanong paraan natin
panghahawakan ang kursong STEM na sa paningin ng iba ito ay komplikado?
Alam
naman natin na halos lahat ng strand sa Senior High, ang STEM ang
pinakamahirap. Sa pagkuha ng STEM, mararanasan mo ang pagiging “Pressure at
Stress” dahil sa maraming pagsusulit, proyekto at kahit mga “Research Paper” na
kapag hindi mo pinag igihan ay hindi ka makakaraos. Kung kukuha ka nang strand
na ito, kailangan mong sanayin ang sarili mo kung paano panghawakan at pamahalaan
ang iyong oras. Mababawasan ang oras na iyong kukunsumuhin kung pagsasabay
sabayin mo ang mga magkakaugnay na gawain. Kailangan natin magpursigi at
magkaroon ng madaming pasensiya sa pagkuha ng STEM. Dagdag pa rito, kailangan
mong gawing mas masaya at kaaya-aya ang iyong pagaaral ngunit hindi ibig
sabihin non na magsasaya ka at hindi mag aaral ng mabuti. Sinasabi lang dito na
kailangan mong gawing masaya ang bawat yugto nito upang ikaw ay mas ganahan
mag-aral.
Sa STEM matututo ka ring makipagkaibigan :) |
D. Bakit ako importante?
Ang
pag-aaral ng STEM ay isang mahalagang bagay para sa atin, ikaw, ako, o
tayo at bawat isa sa atin. Dahil simula
noon, alam at napapansin natin ang unti-unting pagyabong at pagsulong ng
makabagong teknolohiya sa ating mundo na nagsisilbing
kaunlaran ng isang lugar, lokasyon o bansa at pakikibahagi sa larangang
medikal, kaya kinakailangang pag-aralan ng bawat estudyante katulad natin na
pag-aralan ang strand na ito. Dahil hawak ng bawat isa sa atin ang kinabukasan ng ating mundo. Dagdag pa
rito, mas lalo pang lalago at sasagana ang kaalaman ng isang mag-aaral.Ito rin
ay pagsasaalang-alang ng pagkatuto ng isang estudyante upang maliwanagan at
maunawaan ang mga nangyayari at mga pangyayari sa mundong ibabaw. Gayunpaman, madaming opportunidad at mga pagkakataon ang nakapaloob sa STEM.
Sinang-ayunan na ito ng mga mambabatas, tagapagturo at lider ng isang negosyo.
Ayon sa kanila, ito rin ay nakatutulong upang umunlad ang isang ekonomiya ng
bansa katulad ng ibang sangay sa gobyerno.
Arch. Kate Lian Angel, Engr. Amiel Pius Sainz, at Engr. Ace William Carpio (Left to Right) Pinapakita dito ang pagpaplano at pagpapagawa ng isang tulay. |
E. Bakit ako?
Minsan ba naitanong mo na
ang sarili mo, may mahalaga na ba akong ginawa o nagawa man lang? Mayroon nga
ba? Kaya, ito ay para mas maunawaan mo ang konsepto ng STEM. Hayaan mo akong
dalin kita sa mundong kahanga-hanga.
Bakit kahanga-hanga? Sapagkat ang STEM ay ang sentro at gitna ng
pagbabago, pag-unlad at pagyabong. Bukod pa rito, ito rin ay paraan ng
pag-diskubre, pag-eexperimento, at ang pag iisip ng mga posibleng solusyon sa
isang research, mga pang-akademikong gawain at ultimo sa pagsulat ng isang
proposal. Gayun pa man, ang STEM ay may koneksyon at may kaugnayan sa iba’t
ibang perspektibo o pananaw dito sa mundo.
F. Sino nga ba ang nagpasimula sa akin?
Judith A. Ramaley |
At dagdag pa rito, ang STEM Education ay naglalayong baguhin
ang tipikal na pagtuturo ng mga guro sa kanyang silid-aralan sa pamamagitan ng
paghikayat ng kurikulum na ito, hinihimok ang bawat magaaral o estudyante sa
mga pagtugon ng suliranin, pagtuklas, pagiisip ng mga bagay, at kinakailangan
ng bawat estudyante na aktibong makilahok o makisali sa isang sitwasyon upang
hanapan ito ng solusyon.
Arch. Christine Joy Dionisio, Lieven Gabriel, at Engr. Ace William Carpio |
Interior Designer Ma. Alexandra Mendoza at Interior Designer Jo-Ann Mercado |
.
I. Mga dahilan kung bakit nating kailangang piliin ang
STEM? Piliin mo AKO.
Ang pagpili sa STEM ay parang pagpili ng "best among the rest"
dahil maraming benepisyo ang maaaring makuha sa kursong ito. Ang estudyante na kumukuha nito ay hindi lamang sa pang-akademikong pag-aaral nahahasa
kundi pati na rin sa mentalidad at abilidad nito na tumugon sa pangangailangan
ng bawat isa. Ang pagtupad sa iyong mga pangarap ay isa ring bahagi nitong
kurso na ito at pagkilalang lubos sa sarili kung gaano ang iyong kagustuhan sa kurso na STEM. Kaugnay din nito
ang pagpuno ng pangangailangan ng bawat isa sa kanyang kakayahan at kanyang kagustuhan.
Ang pagpili ng isang kursong
angkop sa iyong hilig at gusto ay parang pagpili sa kung
anong magpapasaya sa iyo. Pakatandaan na ang tamang pagdedesisyon ay may naidudulot na magandang
epekto. Piliin ang kurso na babagay sayo hindi batay sa tawag ng
responsibilidad ng mga taong nakapaligid sayo kundi kung paano ka makikinabang dito pati na rin ang
kahalagahan nito sa inyong lipunan.
Ito ang mga rason kung bakit dapat
piliin ng mga estudyante
ang STEM:
l Una sa lahat, Ang mga asignatura sa STEM ay hindi ganoon kahirap kagaya ng iniisip ng iba. Sa katunayan,
ang iba nun ay
naituro na noong Junior High School.
l Matematika.
Walang sinuman ang kayang mabuhay ng walang matematika.
Maling isipin na kapag STEMang
kinuha mong strand, ang
matematika ay sobrang hirap. Kung ikaw man ay mabuting nakikinig sa guro, mas
madali mong mauunawaan ang
anumang itinuturo.
l Ang STEM ay para sa lahat. Sa panahon ngayon, maraming mga
bagay sa ating paligid tulad ng gadgets, appliances, at mga kagamitan na may
kaugnayan sa teknolohiya. Kalakip ng STEMang ibat ibang sektor at industriya magmula sa "robotics engineering"
patungo sa "rocket scientist", mula sa “veterinary surgeon" patungo sa
"meteorologist". Hangga’t
gusto mo ang
kasiyahan at “thrill”, ito ang nababagay na kurso para sayo.
l Ito
ay masaya. Hindi katulad sa paaralan, ang mga dalubhasa sa siyensya ay
nagtatrabaho sa iba’t
ibang magagandang lugar. Kung ikaw ay naghahanap ng mga bagay bagay, kailangan
mong umalis sa laboratoryo. Dito mo mararanasan ang pageexplore sa kalawakan,
kalikasan, sa katubigan, sa “subatomic
universe” at
marami pang iba. Sa pagkakataong ito, lilipad kang malaya tulad ng isang ibon
sa araw araw.
l Maraming trabahong naiuugnay sa STEMkung kaya’t madaling kumita ng pera. Ang mga taong
nagtatrabaho bilang isang inhinyero ay kumikita ng katumbas sa mga nakatapos ng
law at ngayo'y patuloy na namamayagpag. Hindi masama di ba? Ayon sa pag-aaral, ang mga propesyon at trabaho na may kaugnayan sa STEM ay may mas mataas na sahod kumpara sa iba pang sektor.
l
Pagkamalikhain. Kung ikaw ay nangangamba na hindi mo maipakikita ang pagiging
malikhain mo, wag na wag mong isipin na hindi mo kaya bagkus isipin mo na ito ay kaya mo.
Ang STEM ay
patungkol sa panibagong pagtuklas ng kaalaman na kung saan nagiging daan din sa pagtuklas ng iba mo pang kakayahan at talento tulad ng pagiging malikhain.
Ito'y pagiging isang malikhain dahil ikaw ang siyang nagdidisenyo ng pangarap at
hinaharap mo.
Arch. Christine Joy Dionisio Engr. Amiel Pius Sainz, Arch. Kate Lian Angel, at Engr. Ace William Carpio (Left to Right)
Pinapakita dito ang pagpaplano at pagpapagawa ng isang tulay.
|
II. Mga Benepisyo at Hamon ng STEM
Bago mo makuha ang
benepisyong hatid ng STEM, kakaharapin mo muna ang mga hirap at hamon na siyang
importante upang mahubog ang isang mag-aaral. Tanggapin mo ito bilang
pundasyon,tulong at inspirasyon upang tumagal ka at makamit ang iyong mga
pangarap at minimithi sa buhay.
l
Oras
(Time). Bilang isang mag-aaral ng STEM, nakakaranas tayo ng
mga problema na kung saan di tayo nagkakaroon ng sapat ng oras para matapos ang
ating mga gawain o di kaya’y mga dapat ipasa sa tamang oras kaya dapat mayroon
kang epektibong pamamalakad, pamamahala at pagpapahalaga sa oras.
l
Mga
Kailangang Ipasa (Requirements). Di namin sinasabi na
sa estudyante lang ng STEM nangyayare ito pero kailangan mong ipasa ang mga
kailangang ipasa sa tamang oras o sa binigay na palugit para sa anumang
proyekto st mga aktibidad. Minsan, kailangan mo pang lumabas ng eskwelahan para
makasama ang iyong mga kamag-aral o mga kagrupo sa paggawa ng mga ito
perobsiguradong sulit ang pagod at hirap kapag natapos na ito.
l
Tulog
(Sleep). Kapag kinuha mo ang strand na STEM, kailangan mong
turuan ang sarili mo na “Ang tulog ay para lamang sa mga mahihina”, na kung
saan kailangan mong maging responsable sa mga proyekto at mga takdang aralin.
2. Mga
benepisyo at tulong hatid ng STEM.
Maraming mga benepisyo ang pagkuha sa kursong STEM.
Una, mapag-aaralan mo ang iba't ibang asignaturang pinag-aaralan ng iba't ibang
propesiyon. Pangalawa, maaari mong ipamahagi at ipakita ang iyong mga talento
sa ibang estudyante na katulad din ng mga kakayahan at mga abilidad na mayroon
ka. Tinutulungan ka nito upang tumaas ang tiwala mo sa iyong sarili at masanay
sa pagbabago. Pangatlo, maaari mong matuklasan ang mga talento at mga kakayahan
mo na hindi mo pa nakikita. Pang-apat, masasanay ka sa “pressure” na kung saan
magiging sanay ka na pagdating mo ng kolehiyo. At pang huli, maraming mga
kaugnay na trabaho sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics kaya
naman napakadaling pumili kung saan tayo dapat magtrabaho.
Karagdagan:
l Ang mga estudyante ay magiging palaban at handa
pagdating ng kolehiyo
l Ang
mga estudyante ay magiging sanay na at hasa na sa ganitong kapaligiran
l Maaari
ng malimitahan ang mga hirap at pagod
l Magkakaroon
ka na ng pangunahing kaalaman kapag tumungtong at kinuha mo na ang gusto mong
kurso sa kolehiyo.
l Tinutulungan
ka nito upang magkaroon ng pagbabago. Pagtatayo ng tirahan, paghahanap ng
lunas, lumilikha ng mga bagay para ang mga tao ay magkaroon ng komunikasyon o
kaya nama’y pagtulong sa kapwa patungkol sa kasalatan sa buhay. Ito ang mga
bagay na bumabago sa ibang tao at sa STEM, maaari mo itong maisakatuparan.
l Ito
ay nagsusulong ng edukasyon. Ang mga babae ngayon ay kumukuha ng mga trabaho na
kung saan malaki ang kita. Sa STEM, nakatutulong ito upang isulong ang
pagkakapantay pantay at makapagorganisa sa "gender equality" sa isang
pook o trabaho.
l Nagbibigay
ng mataas na sweldo. Ang mga trabaho rito ay makatutulong ng lubos sa inyong
mga buhay.
l
Nagpapalakas
ng tibay ng loob at tiwala sa sarili. Kapag nagtagpo na kayo ng mga problema at
nasolusyunan ito, pinalalakas nito ang "fighting spirit" mo. Dito mo
din dapat sabihin ang iyong mga nakalap, dependehan ang mga posisyon at
magkaroon ng isang makabuluhang diskusyon patungkol dito.
l Hinuhulma
nito ang mundo patungo sa magandang mundo. Kada eleksyon, ang pagpili ng
mamumuno sa ating bansa ay dapat na may kaalaman sa “statistics” at binabase
ang desisyon sa "sound economics". Ang pagkakaroon ng “STEM skill”s
ay ang naghahanda sa iyo upang ianalisa ang mundo at humanap ng mga paraan kung
paano mas magiging maayos at papagandahin ito.
l Ito
ay parte na ng ating mga buhay. Kung saan, ang siyensya ang siyang nasa lahat
ng bagay kahit saan man tayo magpunta. Hindi natin lubos maisip ang buhay ng
walang gadgets katulad ng smartphones, tablet, and laptops. Lahat tayo ay
nakabase sa matematika katulad ng pagsasagawa ng iba't ibang loan options,
pagpili sa tamang kalusugan, edukasyon at pag-aalaga sa mga bata.
Maraming
mga benepisyo sa STEM ngunit siguraduhin lang na kinukuha mo ang mga bagay na
talagang gusto mo. Hindi lahat nakikita ang sarili sa pagiging mahilig sa
matematika o pati na rin sa siyensya pero kung ikaw naman ay may kakayahan at
ito’y nais mo talaga, STEM ang para sa iyo. STEM ang nababagay sayo. Gawin mo
ung ano ang nais at gusto mo para sa sarili mo.
III. 5 Rason kung bakit astig at napakalupit ng STEM \m/
III. 5 Rason kung bakit astig at napakalupit ng STEM \m/
Itong strand na ito ay tunay ngang kahanga-hanga! Astig ang STEM! Kaya halina at pag-usapan natin ang mga rason kung bakit ang strand na
ito ay napakaangas \m/
Itong strand na ito ay ang pinakamabisa at ang magandang maiimungkahi para sa mga estudyanteng
gustong kumuha ng Bachelor of Science degree sa kolehiyo. Kung ikaw ay talaga
ngang interesado sa siyensiya, teknolohiya, pag-iinhinyero at matematika, tunay
ngang ikaw ay mapapamahal at nagkakaroon ng interes sa pag-aaral at ikaw nga ay
magiging aktibo sa paaralan.
2. Sumunod
sa yapak ni Professor Utonium at lumikha ng panibagong “Power Puff Girls! (Be
the next Professor Utonium and create another set of Power Puff Girls!)
Ang pag-aaral ng STEM ay maaaring makatulong sa iyo
upang mapunta sa tungkuling nangangailangan ng pangangatwiran at paghahanap ng
solusyon sa mga problema gamit ang matematika, siyensiya o kaalaman sa
teknolohiya. Ayon sa US Department of Labor, sa 2018, 9 sa 10 trabaho na
mabilis lumago na nagangailangan ng bachelor’s degree man lang ay dapat
mayroong significant scientific o mathematical training. Ang STEM ay malaki ang kaugnayan sa
siyensiya, kung kaya’t, may kakayahan kang kumuha ng panibago at marami pang
sangay sa asignaturang siyensiya. Quantum physics? Kaya mong makipagsabayan
gamit ito. Ruby on Rails? HTML? Java Script? They know
those like the back of their hands.
3. Makilala
ang iyong mga bagong kaibigan - ang mga blueprints! (Meet your new best friend
– the blueprints!)
Ikaw ba ay nangangarap na maging isang arkitekto o
inhinyero man lang? Ang STEM ang sagot. Magandang Balita! Ang CHED Technical
Panel on Engineering ay nagpasya na bawasan na ang bilang ng taon na bubunuin
sa kolehiyo upang matamo at makamit ang engineering degree. Sa ngayon, limang
taon ang bubunuin sa Highschool. Sinumang estudyante ang makatapos sa Grade 12,
samakatuwid, apat na taon na lamang ang kanilang kailangan upang matapos ang
kanilang engineering degree.
4. Kung hindi ang blueprint ang iyong magiging kaibigan, ang
stethoscope ay nariyan! (If the blueprint won’t be your best friend, the
stethoscope will always be there!)
Dahil ang STEM ay nakapokus at sakop din nito ang mga
asignaturang Haynayan, Pisika at Kimika, itong strand na ito ay tumpak para sa
mga gustong maging isang doktor o isang nars. Kamusta aming mga tagapagligtas!
Habang ang ibang strand ay nag-aaral at may
asignaturang “Earth and Life Science” at “Physical Science,” sa STEM naman
pinag-aaralan ang mga asignaturang “Earth Science” and “Disaster Readiness and
Risk Reduction.” Dagdag pa rito, kung marami pang estudyante ang nagkaroon ng
interes at gustong kuhanin ang STEM, di lamang tayo magkakaroon ng maraming
scientists bagkus magkakaroon pa tayo ng napakaraming guro sa siyensiya.At
syempre, ang ating bansa ay magiging isang edukadong siyentitpiko
IV. Mga dagdag kaalaman tungkol sa akin.
·
Munting kaaliwan at
Karagdagang kaalaman tungkol sa STEM Education.
1) Ang bilang ng hindi pa napupunan na mga pwesto sa
STEM ay mas mataas kaysa sa mga may kasanayan ng kandidato. Ang porsyento na
malaking pera na natatanggap ng mga may trabaho patungkol sa STEM ay 70% na mas
malaki sa porsyentong pangbuong bansa
2) Ang mga trabaho na may
kinalaman sa STEM ay sinasabing may kakayahang lumaki sa 17.0% mula 2008
hanggang 2018, kumpar sa 9.8% na paglaki para sa mga may trabahong hindi
konektado sa STEM.
3) Ang Kansas at Missouri ay
dalawang bansang hangganan sa U.S. na nangangailangan ng 185,000 na dagdag na
tao na nakakuha ng STEM sa taong 2018.
4) Ang U.S
Department of Commerce ay sinasabi na sa pagitan ng 2008 at 2018 ang mga
trabahong patungkol sa STEM ay mas doble kaysa sa mga trabahong walang
kinalaman sa STEM.
5) 8 sa 10 mas kailangang empleyado na nakalista sa US
department of labor ay isa sa may pagaaral na nakabatay sa STEM.
6) Sinasabi ng U.S bureau of statistics na sa susunod
na 20 years, 80% na mga trabaho ay kailangang may teknikal na karanasan.
7) Ang mga empleyado sa STEM ay ang naatasan sa pag buo
ng komunidad at pag papataas ng nasyonalidad.
8) Marami sa mga kabataan (55%) ay mas magiging
interesado sa STEM sa kadahilanan ng pagkakaroon ng guro na ginagawang masaya
at nakaka engganyo ang kanilang pag tuturo.
V. Bakit ginawang K-12 Basic Education Program?
Ang K to 12 ay isang sistemang pangedukasyon o
programang ipinatupad sa ilalim ng Pamahalaan at ng Kagawaran ng Edukasyon na
naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa
buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Naglalayon din ito na hasahin ang mga kakayahang taglay ng mga magaaral, ihanda ang
mga mag-aaral pagkatapos ng high school, at kung nais na nilang magtrabaho at
hindi agad magtuloy ng kolehiyo, at upang maging handa sa mundo ng
pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo. Ang "K" ay
nangangahulugang "Kindergarten" and "12" na tumutukoy sa 12
taon ng pangunahing edukasyon
na binubuo ng 6 na taon sa elementarya, 4 na taon sa Junior High School, at 2
taon sa Senior High School.
Sa ngayon, ang Pilipinas ang huling bansa sa Asya
at isa ito sa tatlo na lamang
na bansa sa mundo na mayroong 10 taon pre-university program o lumang sistema
ng edukasyon. Ngayon pag-aralan natin ang pagkakaiba ng K-12 Education System atang lumang sistema sa edukasyon.
K-12 EDUCATION SYSTEM
|
OLD SYSTEM
|
·
Ang
programa ng K-12 ay nagaalok ng labindalawang taong pag-aaral na nagbibigay
ng sapat na panahon para sa isang mag aaral na mahasa ang kanyang abilidad at
makuha ang pangunahing kakayahan.
·
Ang
mga mag-aaral sa bagong sistemang ito ay makakapagtapos sa edad na 18 na kung
saan, sila ay handa na para sa pagtatrabaho, pagnenegosyo, pag-unlad ng mga
kasanayan sa gitnang antas, at mataas na grado ng edukasyon sa kanilang
pagtatapos.
l
Ang
programang K-12 ay siyang nagpabilis sa kapwa pagkilala sa mga nakapagtapos
na Pilipino at propesyonal sa ibang bansa.
·
Ang
Kindergarten ay sapilitan para sa mga 5 taong gulang na bata, na siyang unang
kailangan sa pagpasok sa Grade 1.
·
Ang
bagong kurikulum na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na mamili
sa 3 tracks (i.e. Academic; Technical-Vocational-Livelihood; and Sports and
Arts) at sumailalim sa pagsubok kung saan sila ay makakaranas ng aktuwal na
karanasan sa mga pinili nilang track.
|
·
Ang
mga mag-aaral ay kulang sa pagkahasa ng kanilang pangunahing kakayahan dahil
sa kurikulum na sampung taon ng pangunahing edukasyon.
·
Ang
mga mag-aaral na nakapagtapos sa lumang kurikulum ay wala pa sa wastong edad
at hindi pa handa sa pagkuha ng trabaho o sa pagsisimula ng negosyo.
·
Ang
mga ibang bansa ay kinukunsidera ang ten-year kurikulum ay hindi sapat. Hindi
nila kinukunsidera ang mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa bilang isang
propesyonal.
·
Ang
Kindergarten (isang matatag na pundasyon para sa habang buhay na pagkatuto at
buong pagkahubog) ay maaaring pagpilian at hindi pangunahing kailangan sa
pagpasok sa Grade 1.
·
Ang
lumang sistema ng edukasyon ay nag aalok ng lupon na kurikulum na hindi naman
isinama ang mga praktikal na aplikasyon.
|
Halimbawa ng aming Pamphlet (1) |
Halimbawa ng aming Pamphlet (2) |
VI. Mga paalala kung paano mo malalampasan at matatapos ang Senior High School?
ü Ihanda ang iyong isip. Kung ikaw ay nakapagdesisyon
na, huwag kang hihinto at magpatuloy lang upang makamit mo ito. Akyatin mo ang
bundok, alisin at isantabi ang mga balakid at mag-pokus sa kung ano talaga ang
nararapat.. Kung minsan, nag aalinlangan ka sa iyong kakayahan dahil sa ibang
tao, ngunit laging tandaan na nabuhay ka para sa sarili mo at hindi dahil sa
kanila o kanino man. Tanggapin mo ang payo ng ibang tao pero dapat kumilos ka
ayon sa nararamdaman at kagustuhan mo.
ü Sumunod sa mga alintuntunin and magaing aktibo sa oras
ng klase.
ü Huwag kang mapresyur sa klase
ü Maging isang mabuti at huwarang mag-aaral sa iba upang
magkaroon ka ng matatag na pagkakaibigan sa iyong mga kaklase at mga guro.
ü Pagdating sa iyong strand, “chill” lang.
ü Huwag maging uhaw sa pagkatuto. Huwag mapagod na
maghanap ng mga bagong kaalaman mula sa kinuha mong strand.
ü Mabuhay ka ng hindi natatakot na mabigo
at magkamali. Ito’y magiging hadlang lamang upang makamit mo ang iyong mga
kagustuhan. Ikaw ay tao at walang taong perpekto. Lahat tayo ay nagkakamali
kaya kung ika’y nagkamali tanggapin mo lang ito at matuto. Malalaman mo ito
kapag ika’y nasa sukdulan na at matutunan mo pang lalo ang iyong sarili at mga
pangyayari dito sa mundo. Ang panghihinayang ay hindi iba sa pag-aaksaya at
pagbabalewala sa kaalaman.
ü Mahalain at Pangalagaan mo kung anong
meron ka. Ito’y maaaring makatulong at maging iyong sandata sa hinaharap.
ü Laging tandaan na ikaw ay
makakapagtapos. Kahit ano pang mga hirap at pagod ang iyong naranasan, laging
mong tatandaan, na ikaw ay makakapaglakad at makakapag-martsa suot ang iyong
toga patungo sa tanghalan, kukuhanin ang iyong diploma at sabihing paalam na
HighSchool magpakailanman!
Sulitin at magsaya sa iyong buhay kahit
ano pang ibigay nito. Mabuhay ka sa buhay na gusto mo at gustuhin mo ang buhay
na dinadala mo.
VII. Mga Sanggunian o Pamantayan.
ü ANGEL, Kate Lian F.
ü BERNABE, Ricardo M.
ü BURLAT, Jett Selwynn N.
ü CARPIO, Ace William B.
ü CRUZ, John Michael B.
ü DIONISIO, Christine Joy SA.
ü GABRIEL, Lieven D.R
ü LLANO, Roberto D.
ü MENDOZA, Maria Alexandra J.
ü MERCADO, Jo-Ann M.
ü SAINZ, Amiel Pius H.
SALAMAT TALAGA AT MAYRON TO, KASI DAHIL DITO ALAM KO NA KUNG ANONG TRACK ANG AKING KUKUNIN KAPAG SENIOR HIGH NA AKO.
ReplyDeleteGreat article! Thanks sa blog mo. :) Marami ka talaga magiging career options pag STEM ang track na pinili mo. IT field pa nga lang eh malawak na. Isa sa mga magagandang kunin ay software engineering. Malaman mo kung bakit, dito sa article https://www.ciit.edu.ph/software-engineering-career-philippines/
ReplyDeleteYung iba pang career options sa STEM, makkita mo dito
https://www.flipscience.ph/news/features-news/features/stem-ph-workforce/
i'm grateful that i have read your blog. It really helps me a lot.
ReplyDeleteAng ganda po, sobrang nakatulong po sakin
ReplyDeleteSo nice thank you❣
ReplyDeleteSo nice thank you❣
ReplyDeleteAng ganda ng blog, nakaka inspire.
ReplyDeleteWhat are the best bonuses in casinos with slots? - Lo-Go
ReplyDeleteFind out which online novcasino casino has the best slots to play and how to claim wooricasinos.info the best welcome bonuses! Learn gri-go.com how to https://tricktactoe.com/ claim the casino welcome bonus in https://jancasino.com/review/merit-casino/