Hanapin ang Blog na ito

Sunday 23 July 2017



Engr. Ace William Carpio, Interior Designer Jo-Ann Mercado, Scientist Jett Selwynn Burlat. Arch. Christine Joy Dionisio, Lieven Gabriel as a student, Interior Designer Ma. Alexandra Mendoza, Engr. Amiel Pius Sainz, Arch. Kate Lian Angel, Scientist Ricardo Bernabe. (Left to Right),


A.
Kamusta? Ako si STEM. Kilalanin mo ako!

Ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics ay isa sa mga sangay ng akademikong track ng K-12 kurikikulum. Ito ay para sa mga estudyanteng naghahangad at gustong kumuha ng inhinyero, arkitekto, medisina, at iba pang may koneksyon sa siyensya, teknolohiya, pag-iinhenyero at matematiko. Karamihan sa mga tao lalung-lalo na sa mga estudyante na ito ay ang pinakamahirap sa lahat ng strand kumpara sa ABM, Tourism, Culinary Arts, ITMAWE, at Digital Arts dahil ang mga paksa at mga aralin sa STEM ay masyadong mahihirap. Gayunpaman, bilang tagapanimula ng kurikulum na ito, alam natin na ang bawat strand ay magkakaiba at meron pagkakaiba sa isat-isa dahil walang madaling strand. Lahat ng strand ay masyadong mahirap sa paraan na ibig makatulong bilang isang indibidwal upang lumago at yumabong ang kanilang sariling abilidad at kakayahan para sa kukuhanin nilang propesyon.


Arch. Christine Joy Dionisio and Lieven Gabriel
Engr. Ace William Carpio and Lieven Gabriel





















B. Bakit pinamagatang “STEMahinasyon” ang aming manuscript at ang layunin nito.

Sa pagkuha ng kursong STEM, kailangan ng masusi at matinding pag-iisip kung kaya't napapalawig natin dito ang ating imahinasyon, kaisipan at iba pang kaalaman. Ang manuscript na ito ay pinamagatang STEMahinasyon dahil sa STEM, nasusukat ang iyong kakayahan sa pag-iisip kagaya na lamang sa mga lohika, pagbibigay solusyon sa mga "problem solving", pagkompyut sa iba't-ibang equations at marami pang iba.

Sa STEM nahahasa hindi lamang ang kakayahan ng isang batang mag-isip kung hindi kung paano nya ito gagawin sa kanyang buhay at kung paano ito maaaring makatulong sa paglago at pagpapayaman ng kanyang sarili. Ang STEMahinasyon ang magiging gabay ninyo sa pagtupad ng inyong pangarap dahil kaugnay nito ang pagEEXPLORE sa iba't ibang bagay katulad na lamang ng Science, Technology, Engineering, Mathematics.




Halimbawa ng aming Magazine


C.  Paano makipagkasundo sa akin?

Sa paanong paraan natin panghahawakan ang kursong STEM na sa paningin ng iba ito ay komplikado?

          Alam naman natin na halos lahat ng strand sa Senior High, ang STEM ang pinakamahirap. Sa pagkuha ng STEM, mararanasan mo ang pagiging “Pressure at Stress” dahil sa maraming pagsusulit, proyekto at kahit mga “Research Paper” na kapag hindi mo pinag igihan ay hindi ka makakaraos. Kung kukuha ka nang strand na ito, kailangan mong sanayin ang sarili mo kung paano panghawakan at pamahalaan ang iyong oras. Mababawasan ang oras na iyong kukunsumuhin kung pagsasabay sabayin mo ang mga magkakaugnay na gawain. Kailangan natin magpursigi at magkaroon ng madaming pasensiya sa pagkuha ng STEM. Dagdag pa rito, kailangan mong gawing mas masaya at kaaya-aya ang iyong pagaaral ngunit hindi ibig sabihin non na magsasaya ka at hindi mag aaral ng mabuti. Sinasabi lang dito na kailangan mong gawing masaya ang bawat yugto nito upang ikaw ay mas ganahan mag-aral.


Sa STEM matututo ka ring makipagkaibigan :)


D.  Bakit ako importante?

Ang pag-aaral ng STEM ay isang mahalagang bagay para sa atin, ikaw, ako, o tayo at bawat isa sa atin. Dahil simula noon, alam at napapansin natin ang unti-unting pagyabong at pagsulong ng makabagong teknolohiya sa ating mundo na nagsisilbing kaunlaran ng isang lugar, lokasyon o bansa at pakikibahagi sa larangang medikal, kaya kinakailangang pag-aralan ng bawat estudyante katulad natin na pag-aralan ang strand na ito. Dahil hawak ng bawat isa sa atin ang kinabukasan ng ating mundo. Dagdag pa rito, mas lalo pang lalago at sasagana ang kaalaman ng isang mag-aaral.Ito rin ay pagsasaalang-alang ng pagkatuto ng isang estudyante upang maliwanagan at maunawaan ang mga nangyayari at mga pangyayari sa mundong ibabaw. Gayunpaman, madaming opportunidad at mga pagkakataon ang nakapaloob sa STEM. Sinang-ayunan na ito ng mga mambabatas, tagapagturo at lider ng isang negosyo. Ayon sa kanila, ito rin ay nakatutulong upang umunlad ang isang ekonomiya ng bansa katulad ng ibang sangay sa gobyerno.   

Arch. Kate Lian Angel, Engr. Amiel Pius Sainz, at Engr. Ace William Carpio (Left to Right)
Pinapakita dito ang pagpaplano at pagpapagawa ng isang tulay.

E. Bakit ako?

Minsan ba naitanong mo na ang sarili mo, may mahalaga na ba akong ginawa o nagawa man lang? Mayroon nga ba? Kaya, ito ay para mas maunawaan mo ang konsepto ng STEM. Hayaan mo akong dalin kita sa mundong kahanga-hanga.  Bakit kahanga-hanga? Sapagkat ang STEM ay ang sentro at gitna ng pagbabago, pag-unlad at pagyabong. Bukod pa rito, ito rin ay paraan ng pag-diskubre, pag-eexperimento, at ang pag iisip ng mga posibleng solusyon sa isang research, mga pang-akademikong gawain at ultimo sa pagsulat ng isang proposal. Gayun pa man, ang STEM ay may koneksyon at may kaugnayan sa iba’t ibang perspektibo o pananaw dito sa mundo.



F. Sino nga ba ang nagpasimula sa akin?


Judith A. Ramaley

Ang STEM ay nangangahulugang Science, Technology, Engineering, and Mathematics. Ang programang ito ay pinasimulan ni Judith A. Ramaley, ang dating direktor ng National Science Foundation’s education and human-resources division. Ang ganitong uri ng edukasyon ay dinesenyo at binuo upang baguhin ang pagtuturo sa mga paksa gaya ng Matematika (Mathematics) at Agham (Science) sa pamamagitan ng pagsama ng Teknolohiya (Technology) and Engineering sa loob ng karaniwang kurikulum sa pamamaraan ng paggawa “meta-discipline.”

At dagdag pa rito, ang STEM Education ay naglalayong baguhin ang tipikal na pagtuturo ng mga guro sa kanyang silid-aralan sa pamamagitan ng paghikayat ng kurikulum na ito, hinihimok ang bawat magaaral o estudyante sa mga pagtugon ng suliranin, pagtuklas, pagiisip ng mga bagay, at kinakailangan ng bawat estudyante na aktibong makilahok o makisali sa isang sitwasyon upang hanapan ito ng solusyon. 

Arch. Christine Joy Dionisio, Lieven Gabriel, at Engr. Ace William Carpio










Interior Designer Ma. Alexandra Mendoza at Interior Designer  Jo-Ann Mercado



.











I. Mga dahilan kung bakit nating kailangang piliin ang STEM? Piliin mo AKO.

Ang pagpili sa STEM ay parang pagpili ng "best among the rest" dahil maraming benepisyo ang maaaring makuha sa kursong ito. Ang estudyante na kumukuha nito ay hindi lamang sa pang-akademikong pag-aaral nahahasa kundi pati na rin sa mentalidad at abilidad nito na tumugon sa pangangailangan ng bawat isa. Ang pagtupad sa iyong mga pangarap ay isa ring bahagi nitong kurso na ito at pagkilalang lubos sa sarili kung gaano ang iyong kagustuhan sa kurso na STEM. Kaugnay din nito ang pagpuno ng pangangailangan ng bawat isa sa kanyang kakayahan at kanyang kagustuhan.
    Ang pagpili ng isang kursong angkop sa iyong hilig at gusto ay parang pagpili sa kung anong magpapasaya sa iyo. Pakatandaan na ang tamang pagdedesisyon ay may naidudulot na magandang epekto. Piliin ang kurso na babagay sayo hindi batay sa tawag ng responsibilidad ng mga taong nakapaligid sayo kundi kung paano ka makikinabang dito pati na rin ang kahalagahan nito sa inyong lipunan.

Ito ang mga rason kung bakit dapat piliin ng mga estudyante ang STEM:

l   Una sa lahat, Ang mga asignatura sa STEM ay hindi ganoon kahirap kagaya ng iniisip ng iba. Sa katunayan, ang iba nun ay naituro na noong Junior High School.
l   Matematika. Walang sinuman ang kayang mabuhay ng walang matematika. Maling isipin na kapag STEMang kinuha mong strand, ang matematika ay sobrang hirap. Kung ikaw man ay mabuting nakikinig sa guro, mas madali mong mauunawaan ang anumang itinuturo.
l   Ang STEM ay para sa lahat. Sa panahon ngayon, maraming mga bagay sa ating paligid tulad ng gadgets, appliances, at mga kagamitan na may kaugnayan sa teknolohiya. Kalakip ng STEMang ibat ibang sektor at industriya magmula sa "robotics engineering" patungo sa "rocket scientist", mula sa veterinary surgeon" patungo sa "meteorologist". Hanggat gusto mo ang kasiyahan at thrill, ito ang nababagay na kurso para sayo.
l Ito ay masaya. Hindi katulad sa paaralan, ang mga dalubhasa sa siyensya ay nagtatrabaho sa ibat ibang magagandang lugar. Kung ikaw ay naghahanap ng mga bagay bagay, kailangan mong umalis sa laboratoryo. Dito mo mararanasan ang pageexplore sa kalawakan, kalikasan, sa katubigan, sa subatomic universe at marami pang iba. Sa pagkakataong ito, lilipad kang malaya tulad ng isang ibon sa araw araw.
l    Maraming trabahong naiuugnay sa STEMkung kayat madaling kumita ng pera. Ang mga taong nagtatrabaho bilang isang inhinyero ay kumikita ng katumbas sa mga nakatapos ng law at ngayo'y patuloy na namamayagpag. Hindi masama di ba? Ayon sa pag-aaral, ang mga propesyon at trabaho na may kaugnayan sa STEM ay may mas mataas na sahod kumpara sa iba pang sektor.

l  Pagkamalikhain. Kung ikaw ay nangangamba na hindi mo maipakikita ang pagiging malikhain mo, wag na wag mong isipin na hindi mo kaya bagkus isipin mo na ito ay kaya mo. Ang STEM ay patungkol sa panibagong pagtuklas ng kaalaman na kung saan nagiging daan din sa pagtuklas ng iba mo pang kakayahan at talento tulad ng pagiging malikhain. Ito'y pagiging isang malikhain dahil ikaw ang siyang nagdidisenyo ng pangarap at hinaharap mo.

Arch. Christine Joy Dionisio Engr. Amiel Pius Sainz, Arch. Kate Lian Angel, at Engr. Ace William Carpio (Left to Right)
Pinapakita dito ang pagpaplano at pagpapagawa ng isang tulay.


 II. Mga Benepisyo at Hamon ng STEM



1. Ang mga hirap at hamon hatid ng STEM.

Bago mo makuha ang benepisyong hatid ng STEM, kakaharapin mo muna ang mga hirap at hamon na siyang importante upang mahubog ang isang mag-aaral. Tanggapin mo ito bilang pundasyon,tulong at inspirasyon upang tumagal ka at makamit ang iyong mga pangarap at minimithi sa buhay.

l  Oras (Time). Bilang isang mag-aaral ng STEM, nakakaranas tayo ng mga problema na kung saan di tayo nagkakaroon ng sapat ng oras para matapos ang ating mga gawain o di kaya’y mga dapat ipasa sa tamang oras kaya dapat mayroon kang epektibong pamamalakad, pamamahala at pagpapahalaga sa oras.
l  Mga Kailangang Ipasa (Requirements). Di namin sinasabi na sa estudyante lang ng STEM nangyayare ito pero kailangan mong ipasa ang mga kailangang ipasa sa tamang oras o sa binigay na palugit para sa anumang proyekto st mga aktibidad. Minsan, kailangan mo pang lumabas ng eskwelahan para makasama ang iyong mga kamag-aral o mga kagrupo sa paggawa ng mga ito perobsiguradong sulit ang pagod at hirap kapag natapos na ito.
l  Tulog (Sleep). Kapag kinuha mo ang strand na STEM, kailangan mong turuan ang sarili mo na “Ang tulog ay para lamang sa mga mahihina”, na kung saan kailangan mong maging responsable sa mga proyekto at mga takdang aralin.


2. Mga benepisyo at tulong hatid ng STEM.

Maraming mga benepisyo ang pagkuha sa kursong STEM. Una, mapag-aaralan mo ang iba't ibang asignaturang pinag-aaralan ng iba't ibang propesiyon. Pangalawa, maaari mong ipamahagi at ipakita ang iyong mga talento sa ibang estudyante na katulad din ng mga kakayahan at mga abilidad na mayroon ka. Tinutulungan ka nito upang tumaas ang tiwala mo sa iyong sarili at masanay sa pagbabago. Pangatlo, maaari mong matuklasan ang mga talento at mga kakayahan mo na hindi mo pa nakikita. Pang-apat, masasanay ka sa “pressure” na kung saan magiging sanay ka na pagdating mo ng kolehiyo. At pang huli, maraming mga kaugnay na trabaho sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics kaya naman napakadaling pumili kung saan tayo dapat magtrabaho.

Karagdagan:

l   Ang mga estudyante ay magiging palaban at handa pagdating ng kolehiyo
l   Ang mga estudyante ay magiging sanay na at hasa na sa ganitong kapaligiran
l   Maaari ng malimitahan ang mga hirap at pagod
l   Magkakaroon ka na ng pangunahing kaalaman kapag tumungtong at kinuha mo na ang gusto mong kurso sa kolehiyo.
l  Tinutulungan ka nito upang magkaroon ng pagbabago. Pagtatayo ng tirahan, paghahanap ng lunas, lumilikha ng mga bagay para ang mga tao ay magkaroon ng komunikasyon o kaya nama’y pagtulong sa kapwa patungkol sa kasalatan sa buhay. Ito ang mga bagay na bumabago sa ibang tao at sa STEM, maaari mo itong maisakatuparan.
l   Ito ay nagsusulong ng edukasyon. Ang mga babae ngayon ay kumukuha ng mga trabaho na kung saan malaki ang kita. Sa STEM, nakatutulong ito upang isulong ang pagkakapantay pantay at makapagorganisa sa "gender equality" sa isang pook o trabaho.
l   Nagbibigay ng mataas na sweldo. Ang mga trabaho rito ay makatutulong ng lubos sa inyong mga buhay.
l  Nagpapalakas ng tibay ng loob at tiwala sa sarili. Kapag nagtagpo na kayo ng mga problema at nasolusyunan ito, pinalalakas nito ang "fighting spirit" mo. Dito mo din dapat sabihin ang iyong mga nakalap, dependehan ang mga posisyon at magkaroon ng isang makabuluhang diskusyon patungkol dito.
l   Hinuhulma nito ang mundo patungo sa magandang mundo. Kada eleksyon, ang pagpili ng mamumuno sa ating bansa ay dapat na may kaalaman sa “statistics” at binabase ang desisyon sa "sound economics". Ang pagkakaroon ng “STEM skill”s ay ang naghahanda sa iyo upang ianalisa ang mundo at humanap ng mga paraan kung paano mas magiging maayos at papagandahin ito.
l   Ito ay parte na ng ating mga buhay. Kung saan, ang siyensya ang siyang nasa lahat ng bagay kahit saan man tayo magpunta. Hindi natin lubos maisip ang buhay ng walang gadgets katulad ng smartphones, tablet, and laptops. Lahat tayo ay nakabase sa matematika katulad ng pagsasagawa ng iba't ibang loan options, pagpili sa tamang kalusugan, edukasyon at pag-aalaga sa mga bata.

       Maraming mga benepisyo sa STEM ngunit siguraduhin lang na kinukuha mo ang mga bagay na talagang gusto mo. Hindi lahat nakikita ang sarili sa pagiging mahilig sa matematika o pati na rin sa siyensya pero kung ikaw naman ay may kakayahan at ito’y nais mo talaga, STEM ang para sa iyo. STEM ang nababagay sayo. Gawin mo ung ano ang nais at gusto mo para sa sarili mo.

III. 5 Rason kung bakit astig at napakalupit ng STEM \m/

Itong strand na ito ay tunay ngang kahanga-hanga! Astig ang STEMKaya halina at pag-usapan natin ang mga rason kung bakit ang strand na ito ay napakaangas \m/



1. Mapapamahal ka na sa pag-aaral at eskwelahan (You’re in love with School).

Itong strand na ito ay ang pinakamabisa at  ang magandang maiimungkahi para sa mga estudyanteng gustong kumuha ng Bachelor of Science degree sa kolehiyo. Kung ikaw ay talaga ngang interesado sa siyensiya, teknolohiya, pag-iinhinyero at matematika, tunay ngang ikaw ay mapapamahal at nagkakaroon ng interes sa pag-aaral at ikaw nga ay magiging aktibo sa paaralan.

2. Sumunod sa yapak ni Professor Utonium at lumikha ng panibagong “Power Puff Girls! (Be the next Professor Utonium and create another set of Power Puff Girls!)

Ang pag-aaral ng STEM ay maaaring makatulong sa iyo upang mapunta sa tungkuling nangangailangan ng pangangatwiran at paghahanap ng solusyon sa mga problema gamit ang matematika, siyensiya o kaalaman sa teknolohiya. Ayon sa US Department of Labor, sa 2018, 9 sa 10 trabaho na mabilis lumago na nagangailangan ng bachelor’s degree man lang ay dapat mayroong significant scientific o mathematical training.  Ang STEM ay malaki ang kaugnayan sa siyensiya, kung kaya’t, may kakayahan kang kumuha ng panibago at marami pang sangay sa asignaturang siyensiya. Quantum physics? Kaya mong makipagsabayan gamit ito. Ruby on Rails? HTML? Java Script? They know those like the back of their hands.

3. Makilala ang iyong mga bagong kaibigan - ang mga blueprints! (Meet your new best friend – the blueprints!)

Ikaw ba ay nangangarap na maging isang arkitekto o inhinyero man lang? Ang STEM ang sagot. Magandang Balita! Ang CHED Technical Panel on Engineering ay nagpasya na bawasan na ang bilang ng taon na bubunuin sa kolehiyo upang matamo at makamit ang engineering degree. Sa ngayon, limang taon ang bubunuin sa Highschool. Sinumang estudyante ang makatapos sa Grade 12, samakatuwid, apat na taon na lamang ang kanilang kailangan upang matapos ang kanilang engineering degree.

4. Kung hindi ang blueprint ang iyong magiging kaibigan, ang stethoscope ay nariyan! (If the blueprint won’t be your best friend, the stethoscope will always be there!)

Dahil ang STEM ay nakapokus at sakop din nito ang mga asignaturang Haynayan, Pisika at Kimika, itong strand na ito ay tumpak para sa mga gustong maging isang doktor o isang nars. Kamusta aming mga tagapagligtas!


5. May malaking ambag sa ating mundo (Contribute to the world).


Habang ang ibang strand ay nag-aaral at may asignaturang “Earth and Life Science” at “Physical Science,” sa STEM naman pinag-aaralan ang mga asignaturang “Earth Science” and “Disaster Readiness and Risk Reduction.” Dagdag pa rito, kung marami pang estudyante ang nagkaroon ng interes at gustong kuhanin ang STEM, di lamang tayo magkakaroon ng maraming scientists bagkus magkakaroon pa tayo ng napakaraming guro sa siyensiya.At syempre, ang ating bansa ay magiging isang edukadong siyentitpiko



IV. Mga dagdag kaalaman tungkol sa akin.

·         Munting kaaliwan at Karagdagang kaalaman tungkol sa STEM Education.

1)    Ang bilang ng hindi pa napupunan na mga pwesto sa STEM ay mas mataas kaysa sa mga may kasanayan ng kandidato. Ang porsyento na malaking pera na natatanggap ng mga may trabaho patungkol sa STEM ay 70% na mas malaki sa porsyentong pangbuong bansa
2)    Ang mga trabaho na may kinalaman sa STEM ay sinasabing may kakayahang lumaki sa 17.0% mula 2008 hanggang 2018, kumpar sa 9.8% na paglaki para sa mga may trabahong hindi konektado sa STEM.
3)    Ang Kansas at Missouri ay dalawang bansang hangganan sa U.S. na nangangailangan ng 185,000 na dagdag na tao na nakakuha ng STEM sa taong 2018.
4)     Ang U.S Department of Commerce ay sinasabi na sa pagitan ng 2008 at 2018 ang mga trabahong patungkol sa STEM ay mas doble kaysa sa mga trabahong walang kinalaman sa STEM.
5)    8 sa 10 mas kailangang empleyado na nakalista sa US department of labor ay isa sa may pagaaral na nakabatay sa STEM.
6)    Sinasabi ng U.S bureau of statistics na sa susunod na 20 years, 80% na mga trabaho ay kailangang may teknikal na karanasan.
7)    Ang mga empleyado sa STEM ay ang naatasan sa pag buo ng komunidad at pag papataas ng nasyonalidad.

8)    Marami sa mga kabataan (55%) ay mas magiging interesado sa STEM sa kadahilanan ng pagkakaroon ng guro na ginagawang masaya at nakaka engganyo ang kanilang pag tuturo.














                  
V. Bakit ginawang K-12 Basic Education Program?

               Ang K to 12 ay isang sistemang pangedukasyon o programang ipinatupad sa ilalim ng Pamahalaan at ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Naglalayon din ito na hasahin ang mga kakayahang taglay ng mga magaaral, ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, at kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, at upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo. Ang "K" ay nangangahulugang "Kindergarten" and "12" na tumutukoy sa 12 taon ng pangunahing edukasyon na binubuo ng 6 na taon sa elementarya, 4 na taon sa Junior High School, at 2 taon sa Senior High School.

                  Sa ngayon, ang Pilipinas ang huling bansa sa Asya at isa ito sa tatlo na lamang na bansa sa mundo na mayroong 10 taon pre-university program o lumang sistema ng edukasyon. Ngayon pag-aralan natin ang pagkakaiba ng K-12 Education System atang lumang sistema sa edukasyon.


K-12 EDUCATION SYSTEM
OLD SYSTEM
·      Ang programa ng K-12 ay nagaalok ng labindalawang taong pag-aaral na nagbibigay ng sapat na panahon para sa isang mag aaral na mahasa ang kanyang abilidad at makuha ang pangunahing kakayahan.
·      Ang mga mag-aaral sa bagong sistemang ito ay makakapagtapos sa edad na 18 na kung saan, sila ay handa na para sa pagtatrabaho, pagnenegosyo, pag-unlad ng mga kasanayan sa gitnang antas, at mataas na grado ng edukasyon sa kanilang pagtatapos.
l  Ang programang K-12 ay siyang nagpabilis sa kapwa pagkilala sa mga nakapagtapos na Pilipino at propesyonal sa ibang bansa.
·      Ang Kindergarten ay sapilitan para sa mga 5 taong gulang na bata, na siyang unang kailangan sa pagpasok sa Grade 1.
·      Ang bagong kurikulum na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na mamili sa 3 tracks (i.e. Academic; Technical-Vocational-Livelihood; and Sports and Arts) at sumailalim sa pagsubok kung saan sila ay makakaranas ng aktuwal na karanasan sa mga pinili nilang track.
·         Ang mga mag-aaral ay kulang sa pagkahasa ng kanilang pangunahing kakayahan dahil sa kurikulum na sampung taon ng pangunahing edukasyon.
·         Ang mga mag-aaral na nakapagtapos sa lumang kurikulum ay wala pa sa wastong edad at hindi pa handa sa pagkuha ng trabaho o sa pagsisimula ng negosyo.
·         Ang mga ibang bansa ay kinukunsidera ang ten-year kurikulum ay hindi sapat. Hindi nila kinukunsidera ang mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa bilang isang propesyonal.
·         Ang Kindergarten (isang matatag na pundasyon para sa habang buhay na pagkatuto at buong pagkahubog) ay maaaring pagpilian at hindi pangunahing kailangan sa pagpasok sa Grade 1.
·         Ang lumang sistema ng edukasyon ay nag aalok ng lupon na kurikulum na hindi naman isinama ang mga praktikal na aplikasyon.





























Halimbawa ng aming Pamphlet (1) 







Halimbawa ng aming Pamphlet (2) 


















VI. Mga paalala kung paano mo malalampasan at matatapos ang Senior High School?


ü  Ihanda ang iyong isip. Kung ikaw ay nakapagdesisyon na, huwag kang hihinto at magpatuloy lang upang makamit mo ito. Akyatin mo ang bundok, alisin at isantabi ang mga balakid at mag-pokus sa kung ano talaga ang nararapat.. Kung minsan, nag aalinlangan ka sa iyong kakayahan dahil sa ibang tao, ngunit laging tandaan na nabuhay ka para sa sarili mo at hindi dahil sa kanila o kanino man. Tanggapin mo ang payo ng ibang tao pero dapat kumilos ka ayon sa nararamdaman at kagustuhan mo.
ü    Sumunod sa mga alintuntunin and magaing aktibo sa oras ng klase.
ü    Huwag kang mapresyur sa klase
ü    Maging isang mabuti at huwarang mag-aaral sa iba upang magkaroon ka ng matatag na pagkakaibigan sa iyong mga kaklase at mga guro.
ü    Pagdating sa iyong strand, “chill” lang.
ü  Huwag maging uhaw sa pagkatuto. Huwag mapagod na maghanap ng mga bagong kaalaman mula sa kinuha mong strand.
ü    Mabuhay ka ng hindi natatakot na mabigo at magkamali. Ito’y magiging hadlang lamang upang makamit mo ang iyong mga kagustuhan. Ikaw ay tao at walang taong perpekto. Lahat tayo ay nagkakamali kaya kung ika’y nagkamali tanggapin mo lang ito at matuto. Malalaman mo ito kapag ika’y nasa sukdulan na at matutunan mo pang lalo ang iyong sarili at mga pangyayari dito sa mundo. Ang panghihinayang ay hindi iba sa pag-aaksaya at pagbabalewala sa kaalaman.
ü  Mahalain at Pangalagaan mo kung anong meron ka. Ito’y maaaring makatulong at maging iyong sandata sa hinaharap.
ü    Laging tandaan na ikaw ay makakapagtapos. Kahit ano pang mga hirap at pagod ang iyong naranasan, laging mong tatandaan, na ikaw ay makakapaglakad at makakapag-martsa suot ang iyong toga patungo sa tanghalan, kukuhanin ang iyong diploma at sabihing paalam na HighSchool magpakailanman!

 Sulitin at magsaya sa iyong buhay kahit ano pang ibigay nito. Mabuhay ka sa buhay na gusto mo at gustuhin mo ang buhay na dinadala mo.


MGA KASAPI:

ü ANGEL, Kate Lian F.
ü BERNABE, Ricardo M.
ü BURLAT, Jett Selwynn N.
ü CARPIO, Ace William B.
ü CRUZ, John Michael B.
ü DIONISIO, Christine Joy SA.
ü GABRIEL, Lieven D.R
ü LLANO, Roberto D.
ü MENDOZA, Maria Alexandra J.
ü MERCADO, Jo-Ann M.
ü SAINZ, Amiel Pius H.